Sa lahat ng regalong aming natanggap
Ikaw aming ina ang pinakamahalaga.
Ang katulad mo ay walang katumbas
Ikaw ay biyayang tanging kaloob ng diyos sa amin.
Ikaw aming ina ang pinaka the best
Walang kapantay ang iyong pagmamahal
Sa aming mga anak ay iyong ipinadama
Sa pagiging matiyaga,maunawain mo kami'y hangang-hanga sa iyo.
Ngunit kung minsan kami'y iyong napapagalitan,
At kung minsanm din hindi maipinta ang iyong sarili .
Maraming salamat aming ina sa taon-taon mong pag-aalaga
Walang sawang pag-aaruga at pagpapadama
Ng iyong pagmamahal.
Lahat ng itinuro mo ay hindi malilimutan
Pnahon na upang kabutihan at pagmamahal mo ay amin suklian
Wala na kaming mahihiling pa kundi ang bigyan pa siya
ng mahabang buhay.